Tuluyang sumuko ang isang suporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa mga tauhan ng Diplahan Municipal Police Station at 1st Provincial Mobile Force Company sa Zamboanga, Sibugay noong Marso 29, 2024.
Kinilala ni Police Captain Alvin Dagani Tubadji, Officer-In-Charge sa Diplahan MPS, ang sumuko na suporter na si alyas “Lena”, 39 taong gulang, babae at residente ng Purok Golden Shower, Sitio Sacaon, Barangay Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay na nagsilbing tagabili ng kanilang mga pagkain at mga kailangan ng CTG-Affected Mass Organization (CAMO) Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter.
Hinimok naman ni PCpt Tubadji ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng ECLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.