Sinimulan na kaninang madaling araw ng Enero 9, 2022 ang COMELEC Checkpoint sa Central Luzon at paghahanda na rin ito sa nalalapit na Halalan 2022.
Layunin ng COMELEC Checkpoint ay mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan, tahimik at payapa na may pagkakaisa sa rehiyon ng Gitnang Luzon sa darating na Halalan 2022.
Sinimulan din ngayong araw ang pagpapatupad ng GUN BAN dito sa ating Bansa.
Kaya naman ang Kapulisan ng Police Regional Office 3 ay nanguna sa pagsagawa ng nasabing checkpoint sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Matthew Baccay na sisiguraduhing walang makakalusot na motorista na makakapaglabag sa ipinatupad na batas.
Paalala po sa ating mga motorista ay ipinagbabawal po ng awtoridad ang pagdadala ng Baril kahit may Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).
Ang pwede lamang po magdala ay ang ating mga kapulisan at kasundaluhan na on-duty.
Maraming salamat sa ating mga residente ng Gitnang Luzon na laging sumusunod sa mga batas at sa ating kapulisan na walang sawang pagbibigay serbisyo sa ating mamamayan.
######
Good job Team PNP salamat s serbisyo publiko
Salamat sa serbisyo mam sir.