Nagsagawa ang mga tauhan ng Panglao Police Station ng Coastal Clean-up Drive sa Alona Beach, Panglao, Bohol noong ika-16 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Elma Suma-oy na direktang pinangasiwaan ni Police Major Andie Liquit Corpuz, Chief of Police, katuwang ang ilan sa mga residente ng naturang lugar.
Ayon naman kay Police Major Corpuz, ang aktibidad ay isa sa mga hakbangin ng kanilang himpilan para sa pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month.
Nakakalap naman ang grupo ng hindi bababa sa sampung sako ng basura.
Ang pagsulong ng Panglao PNP at ang aktibong pakikiisa ng mamamayan sa matagumpay na gawain ay nagpapakita ng maayos at iisang pagkilos ng mga ito para sa pagtupad ng mga makabuluhang programa ng pamahalaan at maging ang ilang ahensya nito.
###