Catanduanes – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga Bagamanoc PNP sa baybayin ng Barangay Batagabao, Bagamanoc, Catanduanes nitong Nobyembre 4, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Jerome Dispuig, Hepe ng Bagamanoc MPS, katuwang ang mga miyembro ng Guardians Reformist Group International – Bagamanoc at Barangay Officials ng Batagabao.

Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang nasabing lugar, dahil karamihan ng hanapbuhay ng mga residente sa nasabing lugar ay pangingisda.
Source: Bagamanoc Mps Catppo