Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon ng Catanduanes 2nd PMFC sa Barangay Sabloyon, Caramoran, Catanduanes nito lamang Mayo 19, 2024.
Ang paglilinis ay pinangunahan ni Police Lieutenant Jeffrey G Gidoc, Platoon Leader katuwang ang mga opisyales at residente ng nasabing lugar bilang paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng barangay.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa PNP Core Values na “MAKAKALIKASAN” na naglalayong makapagbigay kamalayan sa mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapatibay ng magandang samahan sa pagitan ng mamamayan at kapulisan.
Ang aktibidad na ito ay pagpapakita ng aming buong suporta sa “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” Program ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Source: Sabloyon Detachment
Panulat ni Pat Rodel Grecia