Tambo, Paranaque City ā Arestado ang isang lalaking Chinese National ng ParaƱaque City Police Station sa kasong Kidnap for Ransom at Serious Illegal Detention nito lamang Huwebes, Setyembre 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ng SPD ang akusado na si Liu Ming, 37.
Ayon kay PCol Kraft, naaresto si Liu Ming sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge Hon. Albert T Cansino ng Regional Trial Court Branch 108, Pasay City.
Ayon pa kay PCol Kraft, nadakip ang akusado dahil sa sumbong ng mga security personnel ng Okada Hotel Resorts and Casino na matatagpuan sa Brgy. Tambo, ParaƱaque City.
Tiniyak ni PCol Kraft na ang kanyang hanay sa SPD ay masigasig at walang humpay na magbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang anti-criminality operations, aniya, “Ipagpapatuloy namin ang pagsulong ng aming misyon at mandato upang ipatupad ang batas, maiwasan at kontrolin ang mga krimen, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.”
Source: ParaƱaque Tagapag-Ugnay
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos