Nagdaos ang Cebu Police Provincial Office (Cebu PPO), sa pamumuno ni PCol Abubakar Udang Mangelen Jr., ng 1st District Command Conference sa Val 2020 Hall, City Hall, Poblacion, City of Naga, Cebu noong Hulyo 22, 2028.
Dumalo ang mga alkalde ng Carcar, Naga, Talisay, Minglanilla, San Fernando, at Sibonga, kasama ang mga Chief of Police ng distrito, bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Tinalakay sa naturang pulong ang peace and order situation, crime prevention initiatives, at mga hakbang upang mapalakas ang ugnayan ng PNP at mga LGU.
Patuloy na isinusulong ng Cebu PPO ang matibay na pakikipagtulungan sa mga stakeholder, alinsunod sa ABCD Guide ni PCol Mangelen, tungo sa mas ligtas na Lalawigan ng Cebu sa ilalim ng adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”.
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez



