Lumahok ang Cebu City Police Office sa isinagawang Destruction of Confiscated/Seized Firecrackers, Pyrotechnics, at Improvised Cannons (Boga) noong umaga ng Disyembre 31, 2025, sa PRO7 Quadrangle, Camp Sergio OsmeƱa Sr., Cebu City.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PBGen Redrico A. Maranan, Regional Director ng Police Regional Office 7, at dinaluhan ng PRO7 Command Group and Staff, Chief ng RCSU-7 at RECU-7, mga Provincial Directors, City Directors, at ng Officer-in-Charge ng Cebu City Police Office na si PCol George V. Ylanan.

Ang mga nakumpiskang firecrackers at pyrotechnic items na sinira sa naturang seremonya ay nagmula sa ibaāt ibang City at Provincial Police Offices, bunga ng pinaigting na operasyon ng mga istasyon at yunit ng pulisya laban sa ilegal na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok, improvised cannons o boga, at pagbebenta ng fireworks sa mga hindi itinalagang lugar.
Ayon sa ulat ng Cebu City Police Office, umabot sa kabuuang 109 na piraso ng firecrackers at pyrotechnic items ang kanilang nakumpiska, na may tinatayang halagang Php20,810.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PBGen Maranan ang kahalagahan ng ceremonial destruction bilang hakbang sa pag-iwas sa mga insidenteng may kaugnayan sa paputok, partikular ang sunog at mga pinsala.
Ang nasabing aktibidad ay muling nagpatibay sa matibay na paninindigan ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagbawas sa mga panganib na dulot ng ilegal na firecrackers, lalo na tuwing panahon ng kapaskuhan. Ipinakita rin nito ang patuloy na pagtutulungan ng mga law enforcement units at katuwang na ahensya sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at firecracker-free na selebrasyon para sa mamamayan.



