Candelaria PNP nagsagawa ng Libreng Gupit

0
1016

Candelaria, Zambales – Nagsagawa ng libreng gupit ang Candelaria PNP sa mga mag-aaral ng Malabon Annex Elementary School sa Sitio Tagur, Brgy. Malabon, Candelaria, Zambales nito lamang Lunes, ika-12 ng Setyembre 2022.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Bryant Odien, Acting Chief of Police ng Candelaria Municipal Police Station, kasama ang mga miyembro ng LGBTQ+ ng Candelaria.

Tinatayang 50 na mag-aaral ang naging benepisyaryo ng libreng gupit.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran.

Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo upang mapagtibay ang ugnayan ng pulisya at komunidad.

Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera