Thursday, November 21, 2024

Buo at solidong suporta ng PNP sa paparating na administrasyon, tiniyak

Pormal nang iprinoklama bilang ika-17 na Pangulo ng ating bansa si Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. habang Pangalawang Pangulo naman si Sara Duterte-Carpio nitong ika-25 ng Mayo.

Ito ay kasunod ng organisado, tahimik at mahusay ang pagkaplano na pagcanvass ng mga boto ng National Board of Canvassers (NBOC). Ito nga ang tinaguriang pinakamabilis na pagcanvass ng mga boto at proklamasyon ng mga nanalo sa kasaysayan ng halalan sa bansa. Kaalinsabay naman nito ang walang anumang malaking insidente o kaguluhan na nangyari maliban na lamang sa mga ikinasang rally ng ilang progresibong grupo.

Ipinapaabot naman ng buong hanay ng pambansang pulisya ang malugod na  pagbati kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa kanilang opisyal na proklamasyon bilang Pangulo at Pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Kaisa ng mayorya ng sambayanang Pilipino ang pambansang pulisya na susunod, susuporta at mananalangin para sa ikabubuti ng ating bansa sa ilalim ng pamumuno ng ating mga bagong hinalal na mga pinuno. Sinisiguro din ng buong hanay ng pambansang pulisya ang buo at solidong suporta nito sa paparating na bagong Commander-in-chief at sa anumang repormang ilalatag o programang ilulunsad na may kaugnayan sa seguridad at kapayapaan ng bansa.

Ang pagtatapos ng halalan ang nagpapahiwatig ng bagong simula. Simula ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat Pilipino na may iisang layunin at kagustuhan – ang magkaroon ng mga bagong pinuno na siyang magtataguyod sa ating bansa mula sa hirap na ating pinagdaanan bunsod ng pandemya.

Hinihingi natin ang pakikipagtulungan ng bawat isa. Samahan po natin ang ating mga iniluklok sa pwesto upang maisakatuparan nila ang kanilang mga mandato ng mahusay at nakasentro sa kapakanan ng ating bansa at bawat Pilipino.

Sa pagpasok ng bagong administrasyon, inaasahan ng pamunuan ng pambansang pulisya ang mga panibagong direktiba na may kaugnayan sa seguridad at kaayusan ng bansa. Mga programang tinitiyak ng PNP na nakasentro sa kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino. Kaya naman hinihingi ng buong PNP ang panibagong suporta ng ating mga kababayan sa anumang programa at aktibidad nito bilang pagtalima sa anumang magiging polisiya ng ating mga bagong halal na pinuno.

Nawa’y sa pagtatapos ng halalan, tapos na ang ating pagkakawatak-watak sa paniniwala. Nawa’y iniwan narin natin ang  ating magkakasalungat na pananaw at ngayon ay magkakaisa sa ating mithiin at panalangin para sa isang progresibong bansa sa ilalim ng pamumuno ng mga pinunong lubos na suportado ng bawat Pilipino.

Naniniwala kami na ito na ang simula upang maging isang bansa at isang lahi na may dignidad, pagkakaisa, pagmamahalan at may malasakit sa kapwa.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles