Bohol PNP, kinilala ng Tagbilaran City Local Government kaugnay sa pagkakumpiska ng Php69.9 halaga ng droga

0
386

Binigyang-pagkilala ng Tagbilaran City Local Government ang buong himpilan ng Bohol Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Patricio C Degay Jr., Provincial Director, nitong January 13, 2026, kasabay ng Sixteenth Session ng Sangguniang Panlungsod ng Tagbilaran City.

Ang nasabing parangal ay kaugnay sa matagumpay na pagkakumpiska ng tinatayang aabot sa Php69.9 milyong halaga ng iligal na droga sa lungsod noong Enero 6, 2026, sa Barangay Dampas ng nasabing lungsod, kung saan isa ito sa pinakamalaking halaga ng iligal na droga na nakumpiska sa kasaysayan ng Tagbilaran City.

Sa nasabing operasyon na pinangunahan ng mga tauhan ng BPPO’s PUI/PDEU katuwang ang Tagbilaran City Police Station, matagumpay na nakumpiska ng pulisya ang nasa 10,285.6 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na Php69,942,080. Habang naaresto naman ng pulisya ang dalawang drug personalities na suspek kabilang na ang isang High Value Individual (HVI).

Tumanggap sa nasabing parangal si PLtCol Joseph Berondo, Chief, PCADU bilang kinatawan ni Police Colonel Patricio C Degay Jr., kasama sina PLtCol Joemae S Pomarejos, Chief, PIU/PDEU at si PLtCol John Kareen O Escober, Chief of Police ng Tagbilaran City Police Station.

Sa nasabing resolusyon, pinuri ng City Council na pinamumunuan ni Hon. Mayor Jane Yap ang mga operatiba sa hindi pangkaraniwan na operasyon at strategic planning upang maisakatuparan ang naturang katagumpayan laban sa iligal na droga.

Lubos naman ang pasasalamat ng buong himpilan mg Bohol PPO sa parangal at sa tiwalang ipinamalas ng Local Government Unit ng Tagbilaran City.

Aniya: “This commendation inspires us to further strengthen our resolve in the relentless fight against illegal drugs. Rest assured that we will remain steadfast in our duty to protect the people of Bohol and to uphold the highest standards of integrity, service, and public trust.”