Fort Bonifacio, Taguig City — Nagsagawa ng Blood Letting Activity ang mga taga-Southern Police District sa SPD Multi-Purpose Hall, SPD Compound, Fort Bonifacio, Taguig City bandang alas-9:00 ng umaga nito lamang Martes, Hunyo 14, 2022.
Ito ay may temang, “Donating Blood is an Act of Solidarity join the effort and save lives.”
Ang aktibidad ay dinaluhan ni Southern Police District Director, PBGen Jimili Macaraeg, kasama si Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, Acting Chief, DCADD at Police Lieutenant Colonel Antonieta Aceret, Team Leader ng District Medical and Dental Unit.
Nakilahok sa programa ang 40 na kapulisan at nakalikom ng 450 CC per bag na dugo.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni PBGen Macaraeg ang lahat ng mga tauhan ng SPD na kusang dumalo sa aktibidad upang mag-donate ng kanilang dugo at makatulong sa mga taong nangangailangan nito.
Aniya, “Tandaan na tayong mga Pulis ay mga bayani sa ating sariling paraan, ang pag-donate ng dugo ay isang paraan ng pagtulong sa kapwa, sa pamamagitan nito, maililigtas natin ang buhay ng ating mga kababayan na nangangailangan.
Source: SPD PIO
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=331513922491286&id=100068980414302
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos