Nagsagawa ng Blessing at Turn-Over Ceremony ang Pamahalaang Lungsod ng Iligan para sa 12 bagong motorsiklo na Honda ADV 160 na ipinamahagi sa tanggapan ng Iligan City Police Office nito lamang Setyembre 8, 2025 sa Open Gym, Iligan City, Lanao del Norte.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Jerry A Tambis, City Director ng Iligan City Police Office kasama si Mayor Frederick W Siao.
Ang mga naturang motorsiklo ay galing sa tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Iligan City.
Ang inisyatibong ito ay isinagawa upang palakasin ang kakayahan ng himpilan ng kapulisan sa lungsod, gayundin pagpapatupad ng kanilang mandato na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Lungsod ng Iligan.
Magagamit din ito sa mas mabilis na pagresponde ng kapulisan at mapalakas ang police visibility sa mga lansangan.



