Basilan PPO, pinangunahan ang seguridad sa pagkuha ng replacement ballots para sa BARMM PE 2026

0
25

Pinangunahan ng Basilan Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni PCol Edison A. Dumangas, Officer-in-Charge, kasama si PLtCol Mary Ann P. Male, Assistant Area Supervisor, ang ligtas na pagkuha ng replacement ballots sa Maluso Pier, Maluso, Basilan, kasama si Provincial Election Supervisor Atty. Miguel Roberto Dela Peña. Bahagi ito ng patuloy na paghahanda upang matiyak ang kahandaan at maayos na pagpapatupad ng 2026 BARMM Parliamentary Elections.

Binigyang-diin ng aktibidad ang matibay na koordinasyon ng Basilan PPO at Commission on Elections (COMELEC) sa ligtas na paghawak, napapanahong paghahatid, at wastong pag-deploy ng mga election materials. Sa pamamagitan ng maingat na pagbabantay at koordinasyon, sinisikap ng kapulisan na mapanatili ang integridad ng mga materyales at maiwasan ang anumang insidenteng maaaring makaapekto sa maayos na daloy ng halalan.

Nanindigan ang Basilan PPO na patuloy nitong gagampanan ang tungkulin sa pagpapanatili ng ligtas, secure, mapayapa, at maayos na electoral process sa Basilan. Kasama ang COMELEC at iba pang stakeholders, isinusulong ng kapulisan ang isang halalang malaya at mapayapa, alinsunod sa adhikain nitong ihatid ang adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Basilan PPO (https://www.facebook.com/share/p/18xtZcvDJN/)

Leave a Reply