Bacolor MPS, mabilis na rumesponde sa pamilyang na-trap sa matinding baha sa Pampanga

0
36

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Bacolor Municipal Police Station (MPS) noong Agosto 30, 2026, matapos ma-trap ang isang pamilya sa kanilang tahanan dahil sa matinding pagbaha sa Solana Casa Real, Brgy. Cabalantian, Bacolor, Pampanga. Sa pangunguna ni PMaj Jessie James M. Domingo, Chief of Police, agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga kapulisan upang mailigtas ang pamilya at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Sa harap ng mapanganib na sitwasyon, ipinakita ng Bacolor MPS ang kahandaan at malasakit ng kapulisan sa pagtugon sa mga emergency at kalamidad. Kasabay nito, patuloy ang koordinasyon ng mga pulis sa Local Government Unit (LGU) ng Bacolor at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang mapalakas ang rescue efforts at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa mga lugar na apektado ng pagbaha.

Muling pinatunayan ng Bacolor MPS na ang kanilang tungkulin na maglingkod at magprotekta ay higit na mahalaga sa panahon ng panganib. Sa maagap na pagtugon at pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad, patuloy na isinasabuhay ng kapulisan ang paninindigan para sa kapakanan ng mamamayan, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Pulis Baculud (https://www.facebook.com/share/v/1CG4Dhhvyp/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply