Baco PNP, nagsagawa ng Tree Planting Activity

0
1296

Nagsagawa ang mga miyembro ng Baco Municipal Police Station ng Tree Planting Activity sa Barangay Poblacion, Baco, Oriental Mindoro, nito lamang Huwebes, ika-8 ng Pebrero 2024.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pangangasiwa ni Police Major Michael P Rivera, Acting Chief of Police ng Baco PNP, kasama ang mga opisyal ng barangay ng Poblacion.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang mga guro at mag-aaral mula sa iba’t ibang pribadong paaralan sa Oriental Mindoro, Puerto Galera Academy, Northern Mindoro Academy, Baco Catholic School, Holy Infant Academy, Good Shepherd Academy, at Sacred Heart Academy.

Nagpakita ng tunay na pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat indibidwal sa pagtatanim ng punong-kahoy bilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan.

Hinihikayat ng kapulisan ang mamamayan na makibahagi sa mga programang pangkalikasan upang mapreserba at maproteksyunan ang kasaganahan ng likas yaman na ating pinagkukunang yaman.

Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña