Babaeng Chinese National, arestado sa kasong 4 Counts ng Batas Pambansa 22 sa Davao City

0
457

Arestado ang isang babaeng Chinese National na may kasong 4 Counts ng Batas Pambansa 22 sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Sasa Police Station 4 sa KM 9, Paradise Road, Sasa, Davao City nito lamang Enero 13, 2026.

Kinilala ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr, Acting Chief, PNP ang suspek na isang babaeng Chinese, 40 anyos, na nahaharap sa kasong four counts ng Batas Pambansa 22 sa ilalim ng Criminal Case Nos. M-MNL-24-04053-CR to M-MNL-24-04056-CR na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php480,000.

“The PNP will not allow fugitives to live comfortably while cases remain unresolved. Walang puwang sa ating lipunan ang pagtakas sa batas. Every warrant served is a step closer to justice. Sisiguraduhin naming naipatutupad ang bawat utos ng korte,” saad ni ACPNP Nartatez Jr.