Nagsagawa ang PNP ng Awareness Symposium sa mga estudyante ng Arimbay High School sa Legazpi City noong ika-17 ng Pebrero 2025.
Ang symposium ay pinangunahan ng mga opisyal mula sa RPCADU 5, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brenda O. Garcia, Officer-in-Charge ng RPCADU 5, kasama ang mga tauhan ng PDEG DOU 5.
Tinalakay ang mga mahahalagang paksa tulad ng mga epekto ng ilegal na droga, anti-terrorism measures, ang Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”, at ang mga prinsipyo ng Gender and Development Awareness.
Ang mga temang ito ay itinampok upang mapalakas ang kamalayan ng mga kabataan at magbigay gabay sa kanilang responsibilidad bilang mga mamamayan at miyembro ng komunidad.
Ang layunin ng aktibidad ay magbigay ng mahalagang impormasyon at palawakin ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa mga isyung may kinalaman sa kanilang kaligtasan at kapakanan.
Source: AAR of RPCADU 5
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos