Cagayan de Oro City – Buong pusong nakiisa ang hanay ng Police Regional Office 10 sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa New Grandstand, Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang umaga ng Lunes, ika-29 ng Agosto 2022.
Bilang paggunita, pinangunahan ni Police Brigadier Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang Wreath Laying Ceremony.
Ang aktibidad ay ginugunita at binigyang parangal hindi lamang sa mga kilalang bayani kundi pati na rin ang mga ordinaryong Pilipino na nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan ng bansa.
“Ngayon, muling pinagtitibay natin ang ating pangako sa kapayapaan at seguridad na ipinaglaban at ikinamatay ng ating mga bayani. Sa pangakong ito, nananatili tayo sa larangan ng digmaan laban sa krimen, ilegal na droga, katiwalian, at terorismo, ipagpapatuloy natin na linisin ang ating bakuran ng mga miyembrong hindi karapat-dapat na tawaging mga tagapagtanggol at lingkod-bayan ng bansa”, ani PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10