Wednesday, April 30, 2025

Anim na miyembro ng Underground Mass Organization, nagbalik-loob sa pamahalaan sa Samar

Tuluyan nang winakasan ang pakikibaka at kusang nagbalik-loob sa pamahalaan ang anim na miyembro ng Underground Mass Organization sa himpilan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company sa Barangay Pabanog, Paranas, Samar nito lamang Enero 17, 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Alex C Dang-Aoen, Force Commander ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company, ang mga nagbalik-loob na sina alyas “Fe”, 49 anyos; alyas “Minia”, 67 anyos; alyas “Cia”, 64 anyos; alyas “Lando”, 52 anyos; alyas “Pisyong”, 47 anyos; at alyas “Perto”, 63 anyos. Ang mga nagbalik-loob ay pawang mga magsasaka na residente ng Barangay Canano, Hinabangan, Samar.

Ang matagumpay na pagbabalik-loob ay resulta ng panawagan at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang Regional Intelligence Unit 8, 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 at Hinabangan Municipal Police Station.

Samantala, nakatanggap naman ang mga nagbalik-loob ng agarang tulong pinasyal at bigas mula sa mga kapulisan.

Ang mga nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Samar PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at facilitation ng kanilang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang pagbabalik-loob ng mga dating miyembro ng UGMO ay nagpapakita na ang ating gobyerno ay seryoso na wakasan na ang insurhensiya at terorismo sa bansa upang makamit ang isang bayan na ligtas, payapa at maunlad tungo sa minimithi natin na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles