Anim na Cagayan Valley cops, ginawaran ng medalya ng pagkilala sa mga paaralan sa PRO2

0
54

Anim na pulis ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang ginawaran ng medalya bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo, dedikasyon, at katapatan sa tungkulin sa isinagawang Flag Raising Ceremonies at Medal Awarding Programs sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon noong Oktubre 19, 2026.

Kabilang sa mga pinarangalan mula sa Isabela Police Provincial Office sina PCpl Maryjane M. Lucas ng Jones West Central School, PSSg Eduard U. Taquiga ng Bagong Sikat Elementary School, at PMSg Rey Marie Antonieto M. Millan ng Camarag Elementary School. Kinilala rin si PCpl Allolimor C. Laitan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, gayundin sina PCpl Rey John A. Esquejo ng Children’s First School at PEMS Remus F. Junio ng Santiago North Central School, kapwa mula sa Santiago City Police Office.

Isinagawa ang programa alinsunod sa direktiba ni PBGen Mariano C. Rodriguez, Regional Director ng PRO2, upang bigyang-pagkilala ang mga natatanging pulis sa mismong mga paaralang pinapasukan ng kanilang mga anak. Layunin din ng inisyatiba na higit pang patatagin ang ugnayan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Education (DepEd), habang nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral at guro ang mga pulis na nagpapakita ng integridad, disiplina, at dedikasyon sa paglilingkod.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng PRO2 ang positibong ugnayan ng kapulisan at komunidad, at ang pagkilala sa kahusayan sa serbisyo publiko. Kaakibat nito ang layunin ng PNP na maghatid ng serbisyong may malasakit, katapatan, at dedikasyon sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO2 (https://www.facebook.com/share/p/19mL21izU6/)

Leave a Reply