Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng tubig dulot ng malakas na pag-ulan at Hanging Habagat, hindi natinag ang mga kapulisan ng Aguilar Municipal Police Station (MPS) sa patuloy na pagsasagawa ng rescue operations upang mailigtas at maprotektahan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha noong Agosto 31, 2026.
Sa pangunguna ni PMaj Mark Ryan C. Taminaya, OIC, maagap na kumilos ang Aguilar MPS katuwang ang Local Government Unit (LGU) ng Aguilar sa pangunguna ni Mayor Kristal Ballesteros-Soriano, gayundin ang Philippine Red Cross, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Aguilar, at Bureau of Fire Protection (BFP) Aguilar.
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng baha, nagtulungan ang mga kapulisan at iba pang mga rescuer upang marating ang mga lugar na naapektuhan at matiyak ang ligtas na paglikas ng mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong.
Ipinakita ng operasyon ang kahandaan at malasakit ng PNP Aguilar sa mga mamamayan, lalo na sa panahon ng kalamidad. Sa kabila ng masamang lagay ng panahon at mapanganib na kondisyon sa ilang lugar, nanatiling alerto at nakatuon sa kanilang tungkulin ang mga pulis at katuwang na rescuer
Patuloy din ang koordinasyon ng Aguilar MPS sa mga lokal na awtoridad at disaster response agencies upang agad na matugunan ang anumang insidente at maprotektahan ang buhay at ari-arian ng mga residente.
Ang patuloy na rescue operation ay patunay na sa panahon ng sakuna, hindi nag-iisa ang mamamayan. Nasa unahan ng pagtugon ang kapulisan, kasama ang iba pang katuwang na ahensya, upang magbigay ng agarang serbisyo at saklolo.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Aguilar MPS



