Babaeng negosyante, arestado ng Iriga CPS; Php148.5K halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska

0
575

Matagumpay na nagsagawa ng search warrant operation ang mga operatiba ng Iriga City Police Station (CPS) laban sa isang 33-anyos na babaeng negosyante sa Zone 6, Brgy. Sto. Domingo, Iriga City, dakong 8:35 ng gabi noong Nobyembre 15, 2026. Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni PLTCol Jeric Don P Sadia, Chief of Police, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng hinihinalang ilegal na droga.

Nasamsam sa isinagawang operasyon ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na 21.85 gramo at tinatayang street value na Php148,580. Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant kaugnay ng paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naganap ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office V at sa presensya ng mga kinakailangang saksi. Alinsunod sa itinakdang proseso ng batas, minarkahan, tinimbang, kinunan ng litrato, at inimbentaryo ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya upang matiyak ang wastong pangangalaga at dokumentasyon ng mga ito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso. Binigyang-diin naman ng PNP-Iriga ang patuloy na pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang tungkuling pangalagaan ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa komunidad.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Dy5CoFmg8/

Panulat ni: PCpl Doxie Charesse C Casasos

Leave a Reply