SPD, pinagtibay ang koordinasyon sa mga katuwang na ahensya para sa seguridad ng 49th ASEAN Summit

0
54

Bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits, pinagtibay ng Southern Police District (SPD) ang koordinasyon nito sa mga katuwang na ahensya upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad sa pamamagitan ng pagbisita ni PBGen Rodel A Pastor, District Director ng SPD, kasama si PCol Ricardo A Punzalan, Chief of the District Directorial Staff, sa Multi-Agency Coordinating Center (MACC) sa Philippine Trade Training Center, Pasay City.

Muling pinagtibay ng nasabing pagbisita ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga lider ng ASEAN Summit, mga delegado, mga bisita, at ng publiko sa panahon ng nasabing pagtitipon.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang inter-agency coordination at tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad para sa matagumpay at mapayapang pagsasagawa ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Source: SPD https://www.facebook.com/share/p/19pVs5dtCT/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply