SPD, isinusulong ang maximum tolerance at pangangalaga sa karapatan ng publiko at mga pulis

0
60

Nananatiling pangunahing prayoridad ng Southern Police District (SPD), sa pamumuno ni PBGen Rodel A Pastor, District Director, ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko kasabay ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga pulis sa pagpapatupad ng polisiya ng Philippine National Police (PNP) na maximum tolerance sa mga pampublikong pagtitipon at operasyon ng law enforcement.

Binigyang-diin ng SPD na dapat igalang at pangalagaan sa lahat ng pagkakataon ang karapatang pantao, habang kinikilala rin ang karapatan ng mga pulis sa kaligtasan, dignidad, at proteksiyon laban sa anumang uri ng karahasan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Kinikilala ng PNP ang karapatan ng bawat mamamayan na magsagawa ng mapayapang pagtitipon at malayang magpahayag ng saloobin alinsunod sa Konstitusyon. Gayunman, nararapat na gamitin ang mga karapatang ito sa loob ng itinakda ng batas.

Ipinaliwanag din ng SPD na ang maximum tolerance ay nangangailangan ng pagpipigil, propesyonalismo, at maingat na pagpapasya ng mga pulis. Hindi ito nangangahulugang kailangan nilang tiisin ang pisikal na pananakit, pagbabanta, o sinasadyang agresibong pagkilos nang hindi nagsasagawa ng nararapat na hakbang. Anumang insidente ng karahasan, panghaharang, o banta sa kaligtasan ng publiko ay dapat tugunan sa pamamagitan ng mga hakbang na naaayon sa batas, kinakailangan, at proporsyonal sa sitwasyon.

“The SPD stands firmly behind our personnel who carry out their duties with discipline, professionalism, and full respect for established protocols. While our police officers are entrusted to protect the rights of the public, they must also be afforded the same respect, protection, and consideration for their safety and welfare. We will not tolerate violence against our personnel, and we will ensure that every police action remains lawful, measured, and consistent with the principles of human rights and accountability” (Buong suporta ang SPD sa aming mga tauhang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang may disiplina, propesyonalismo, at lubos na pagsunod sa mga itinakdang protocol. Bagama’t ipinagkatiwala sa ating mga pulis ang tungkuling pangalagaan ang mga karapatan ng publiko, nararapat ding silang pagkalooban ng gayunding paggalang, proteksiyon, at konsiderasyon para sa kanilang kaligtasan at kapakanan. Hindi namin kukunsintihin ang anumang uri ng karahasan laban sa aming mga tauhan, at titiyakin naming ang bawat hakbang ng kapulisan ay naaayon sa batas, maingat, at alinsunod sa mga prinsipyo ng karapatang pantao at pananagutan), saad ni PBGen Pastor.

Source: SPD https://www.facebook.com/share/p/14zYMSChKx2/

Leave a Reply