Rank 7 Regional Most Wanted Person sa kasong rape, arestado ng PRO 6 sa Iloilo

0
551

Arestado ang tinaguriang Rank 7 Most Wanted Person Regional Level na nahaharap sa kasong rape by carnal knowledge matapos ang halos tatlong taon na pagtatago sa batas sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa Brgy. Budiaue, Badiangan, Iloilo dakong 3:36 ng hapon noong Nobyembre 6, 2026.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Natoy,’” 39 taong gulang, isang construction worker at residente ng nasabing bayan.

Pinangunahan ang operasyon ng mga intelligence operatives ng 604th Company, Regional Mobile Force Battalion 6 (RMFB6), katuwang ang Badiangan Municipal Police Station.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape by carnal knowledge, na walang inirekomendang piyansa.

“Ang pagkakaarestong ito ay patunay ng ating matatag na paninindigan na maiharap sa hustisya ang mga indibidwal na may pananagutan sa batas. Patuloy nating paiigtingin ang ating manhunt operations upang matiyak na naipatutupad ang mga kautusan ng hukuman, napangangalagaan ang kaligtasan ng publiko, at nabibigyan ng pagkakataong makamit ng mga biktima ang katarungan,” pahayag ni PBGen Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GXSoHcfxA/

Leave a Reply