Arestado ang tinatayang 74 na wanted person ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Romano V Cardiño, sa isinagawang pinaigting na mga law enforcement operations sa buong Eastern Visayas simula November 7 hanggang November 8, 2026.
Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, lima sa mga ito ang itinalaga bilang Most Wanted Persons (MWPs), habang 69 naman ang kinilala bilang other wanted persons na parehong naaresto sa dalawang araw na operasyon.
Kabilang sa mga nakapag-aresto ang Samar Police Provincial Office at ang Regional Intelligence Division (RID) kung saan nahuli ang dalawang regional level MWPs; isang provincial level MWP naman ang naaresto sa Leyte; isang municipal level MWP ang nahuli sa Northern Samar; habang isa pang MWP ang nahuli naman sa lalawigan ng Samar.
Binigyang-diin naman ni PBGen Cardiño ang naturang tagumpay ng PRO8 kung saan layunin pa nilang paigtingin ang pagtugis sa lahat ng mga pugante sa rehiyon alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
“Every arrest brings us closer to ensuring that justice is served and that our communities remain safe. I commend our police personnel for their dedication and relentless efforts in pursuing wanted individuals. We will continue to strengthen our intelligence-driven operations and coordination among police units to ensure that no person wanted by law is beyond our reach” (Ang bawat pag-aresto ay naglalapit sa atin sa pagtiyak na maibibigay ang hustisya at mananatiling ligtas ang ating komunidad. Pinupuri ko ang ating mga tauhan para sa kanilang dedikasyon at walang humpay na pagsisikap sa pagtugis ng mga wanted na indibidwal. Patuloy nating palalakasin ang ating intelligence-driven na mga operasyon at koordinasyon sa mga yunit ng pulisya upang matiyak na walang wanted na mga indibidwal ang hindi natin mahuhuli), pahayag pa ni PBGen Cardiño.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1A8Z57HJTx/?mibextid=wwXIfr

