Nakibahagi ang mga tauhan ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa “Project Balik-Tanaw” Wave 10 na isinagawa noong Nobyembre 7, 2026, sa Municipal Museum, Rizal, Cagayan. Layunin ng aktibidad na mailapit sa mga mamamayang nangangailangan ang abot-kayang pangangalaga sa mata at iba pang serbisyong pangkalusugan.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng JCI Tuguegarao Ybanag at Eye Can Cataract Surgery Center and Eye Care Clinic – Tuguegarao City upang mabigyan ng kinakailangang tulong at serbisyong pangangalaga sa paningin ang mga benepisyaryo sa komunidad.
Bilang bahagi ng pakikiisa, nagkaloob ang 1st Cagayan PMFC ng libreng gupit at nagbigay ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kaginhawahan ng mga dumalo at benepisyaryo sa buong aktibidad.
Muling ipinakita ng inisyatibong ito na higit pa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ang tungkulin ng kapulisan, dahil mahalagang bahagi rin ng kanilang serbisyo ang pakikiisa sa mga programang pangkomunidad at pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: 1st Cagayan PMFC (https://www.facebook.com/share/p/1CpQ8wvgoF/)

