Bilang bahagi ng pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng mga mag-aaral, nagsagawa ang San Carlos City Police Station (CPS), sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Lawrence Keith D Calub, Chief of Police, ng talakayan tungkol sa Safety Drill Orientation, noong November 6, 2026, sa Payapa Elementary School, Brgy. Payapa, San Carlos City, Pangasinan.
Tinalakay sa aktibidad ang tamang paghahanda at pagtugon sa anumang insidente sa paaralan, gayundin ang iba pang mahahalagang crime prevention tips upang mapaigting ang kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral sa oras ng sakuna o emergency.
Patuloy ang San Carlos CPS sa pagsusulong ng kaligtasan at kahandaan ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng mga parehong aktibidad para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.
Samantala, hinihikayat ng pamunuan ng San Carlos City Police Station (CPS) ang publiko, partikular ang mga nakatira malapit sa mga paaralan, na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o tumawag sa 911 ang anumang kahina-hinalang indibidwal o aktibidad upang agad itong marespondehan at maiwasan ang anumang uri ng krimen. Alinsunod ito sa hangarin ng PNP na maisulong ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CdUpBxZGT/?mibextid=wwXIfr

