Bilang pagpapakita ng malasakit at konkretong suporta sa pangangailangan ng pamayanan, nagkaloob ang Masbate 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) – Revitalized Pulis sa Barangay (R-PSB) Team Sta. Maria ng 10 sakong semento at mga gripo sa mga opisyal ng Barangay Sta. Maria, Mobo, Masbate nitong Nobyembre 4, 2026, upang makatulong sa pagtatayo ng palikurang pangkomunidad.
Layunin ng inisyatibong ito na makatulong sa pagkakaroon ng maayos na pasilidad para sa kalinisan at sanitasyon na mapakikinabangan ng mga residente.
Kaakibat ng PNP Focused Agenda partikular sa Community Support, ipinakikita ng gawaing ito na ang tungkulin ng kapulisan ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Sa pamamagitan ng Project Alagang KA-SU-ROG—Kapamilya Ituring ang Komunidad at Suportang Tapat at Nararamdaman—patuloy na pinagtitibay ng kapulisan ang ugnayan sa mga lokal na opisyal at mamamayan sa pamamagitan ng serbisyong may malasakit at konkretong pagkilos.
Sa suporta ng pamunuan ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni PBGen Randy Glenn G Silvio, Regional Director, patuloy na isinusulong ng kapulisan sa rehiyon ang isang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.” Sa bawat ambag at sama-samang pagkilos, tiyak na makakamit ng Pambansang Pulisya at ng komunidad ang mas malinis, malusog, at mas maunlad na pamayanan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CBphanh6X/?mibextid=wwXIfr

