Drug suspect, arestado sa Tanjay, Negros Oriental; baril at hinihinalang shabu narekober ng PRO NIR

0
40
Screenshot

Arestado ng mga kapulisan ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang isang 38-anyos na babae kasunod ng isinagawang operasyon sa bisa ng isang search warrant dakong 5:05 ng umaga noong Nobyembre 3, 2026, sa Brgy. Poblacion 6, Tanjay City, Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bev,” residente ng Brgy. 6 ng parehong lungsod, na nakuhanan ng limang pakete ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 na baril, isang .22 Magnum revolver, mga bala, magasin at ilan pang mga drug paraphernalia.

Ayon pa sa PRO-NIR, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ang pulisya ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang informant kaugnay sa ilegal na aktibidad ng suspek sa lungsod

Agad dinala ang naarestong indibidwal sa Tanjay City Police Station na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bilang pagtalima sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” patuloy na hinimok ng PRO NIR ang publiko na makipagtulungan sa Pambansang Pulisya sa pamamagitan ng pag-ulat ng mga impormasyon sa pinakamalapit na istasyon o itawag sa 911 sakaling mayroong mga ilegal na aktibidad sa kanilang lugar partikular na ang sirkulasyon ng ipinagbabawal na droga upang agad na maagapan at mahuli ang mga suspek sa likod nito.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18pW86m2nB/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply