Drug personality arestado ng PRO4A; Php1.4M hinihinalang shabu, kumpiskado sa Calamba, Laguna

0
40
Screenshot

Nasamsam ng mga operatiba ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa pamamagitan ng Calamba City Police Station (CPS) ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,451,121.00 at naaresto ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation noong Nobyembre 3, 2026, sa Purok 6, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Ron,” 38 taong gulang, residente ng nasabing lugar. Ayon sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng Calamba CPS, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang buy-bust operation bandang 6:15 ng gabi, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos umano nitong magbenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Bukod sa nabentang droga, nakumpiska rin sa operasyon ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 115.9 gramo, isang transparent plastic na naglalaman ng 97.5 gramo ng parehong shabu na may kabuuang halagang Php1,451,121.00, at buy-bust money.

Gumamit ang mga operatiba ng isang Body-Worn Camera (BWC) at isang Alternative Recording Device (ARD) upang maidokumento ang buong operasyon alinsunod sa standard operating procedure ng PNP.

Sa pamamagitan ng pinaigting na mga police operations, intelligence-driven initiatives at pakikipagtulungan sa komunidad, patuloy na isinusulong ng PRO 4A ang B.E.S.T.Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, upang mativak ang isang ligtas at drug-free na Policing Framework Transform Trust – CALABARZON.

“Sa bawat buhay na sinisira ninyo, may pamilyang nawawalan ng pag-asa at kinabukasang ninanakaw. Hindi ko ito hahayaang magpatuloy. Sa mga nagtutulak at nagbebenta ng ilegal na droga, asahan ninyong hindi luluwag ang aming paghahanap sa inyo hangga’t kayo ay maiharap sa hustisya.” Saad mam pa ni PBGen Dominic L Baccay, Regional Director ng PRO4A.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang naarestong suspek para sa kaukulang dokumentasyon at inquest proceedings. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: https://www.facebook.com/share/v/1K3SzUUEUn/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply