Dalawang indibidwal na muntik nang malunod, nasagip ng PNP Maritime Group sa San Antonio, Zambales

0
73

Nasagip ang dalawang indibidwal na muntik nang malunod dahil sa maagap na pagligtas ng mga miyembro ng PNP Maritime Group (PNP MG), sa pangunguna ng San Antonio Maritime Law Enforcement Team, Olongapo Maritime Police Station, Regional Maritime Unit 3, sa karagatan malapit sa Police Assistance Desk, Brgy. San Miguel, San Antonio, Zambales, bandang 12:55 ng tanghali ng Nobyembre 2, 2026.

Ayon kay PBGen Rommel Batangan, Acting Director ng PNP Maritime Group, agad na sumaklolo ang mga tauhan ng PNP MG matapos mamataan ang dalawang indibidwal na humihingi ng saklolo sa layong 25 hanggang 30 metro mula sa dalampasigan. Agad na isinagawa ang pagsagip sa dalawa at matagumpay silang naiahon mula sa tubig. Kapwa sila nasa maayos na kondisyon at may malay nang maisalba, bago dinala sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng kaukulang atensiyong medikal.

Bilang bahagi ng Ligtas Undas 2026, patuloy ang deployment ng PNP MG sa mga dalampasigan, baybayin, at iba pang lugar-pasyalan, kasama ang mga nakatalagang rescue personnel, upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga insidente at kaligtasan ng publiko na naaayon sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1JKXkNFMsE/

Leave a Reply