RD PBGen Abecia, nanguna sa pagsiguro ng kaayusan at seguridad sa mga sementeryo kaugnay ng “Undas 2026”

0
91

Nanguna sa pagsiguro ng kaayusan at seguridad si PBGen Christopher M Abecia, Regional Director ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), sa mga pampublikong sementeryo sa Bayan ng Parang at Lungsod ng Cotabato noong Nobyembre 1, 2026, bilang bahagi ng seguridad para sa “Undas 2026.”

Layunin ng gawaing ito na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng mga taong dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Pinapatibay din nito na mapanatili ang isang payapa at ligtas na kapaligiran sa panahon ng paggunita sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa, sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sinuri ni PBGen Abecia ang deployment at kahandaan ng mga kapulisan, ang mga ipinatutupad na hakbang sa seguridad, at tiniyak na maibibigay ang kinakailangang tulong at seguridad para sa publiko. Paalala rin niya sa mga kapulisan na manatiling alerto sa mga pangangailangan ng mga dumadalaw sa sementeryo. Kasabay nito, pinasalamatan ang mga kapulisan sa walang sawang paglilingkod sa publiko upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa lahat ng oras.

Sa pamamagitan ng mga proaktibong hakbang, patuloy ang PRO BAR sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko. Hinihimok din ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at sundin ang mga alituntunin sa seguridad para sa isang ligtas at maayos na paggunita sa “Undas 2026.”

Leave a Reply