Patuloy na pinaiigting ng pamunuan ng Agusan del Sur Police Provincial Office, sa pangunguna ni PCol Romeo A. Villalobos Jr., Provincial Director, sa pamamagitan ng mga Red Teaming Officers nito, sa mga miyembro ng PNP na nakatalaga sa iba’t ibang munisipalidad sa buong lalawigan, noong Nobyembre 1, 2026.
Layunin ng inspeksyon na subaybayan ang pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad at tiyakin ang pagsunod ng mga nakatalagang pulis sa mga direktiba at operasyonal na kautusan. Nakatuon din ang aktibidad sa aktuwal na pagganap ng mga tauhan sa kani-kanilang nasasakupan, partikular sa mga sementeryo at iba pang pampublikong lugar.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Agusan del Sur PNP, upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na insidente, at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa paggunita sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DabeYR6US/?mibextid=wwXIfr

