Personal na nag-inspeksyon si PBGen Christopher N Abrahano, Officer-In-Charge ng National Capital Region Police Office, sa mga pampublikong lugar na mayroong nakatalagang Police Assistance Desk (PADs) para sa paghahanda kaugnay sa paggunita ng “Undas 2026” sa Farmers Plaza at Superlines Bus Terminal sa Cubao, Quezon City; Dangwa sa Sampaloc, Maynila; at Manila North Cemetery noong Oktubre 30, 2026.
Nakatuon ang inspeksyon sa kahandaan ng mga pulis sa pagbibigay-serbisyo, pagpapakita ng presensya ng kapulisan, at pagtulong sa publiko bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at bibisita sa mga sementeryo.
Ang layunin ng inspeksyon ay matukoy ang mga kakulangan sa seguridad bago pa ito maging banta, maiwasan ang anumang kapahamakan bago pa ito mangyari, at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa buong panahon ng “Undas 2026” alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Source: National Capital Region Police Office

