Southern Leyte PPO, patuloy na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga sementeryo bilang paghahanda sa “UNDAS 2026”

0
102
Screenshot

Bilang paghahanda sa paggunita ng “Undas 2026,” patuloy na nagsasagawa ang Southern Leyte Police Provincial Office (PPO) ng inspeksiyon sa mga sementeryo at memorial garden sa lalawigan upang matiyak ang kaligtasan, seguridad, at kaayusan ng mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga mamamayan simula noong October 28, 2026.

Layunin ng naturang mga inspeksiyon na matukoy ang mga posibleng banta sa seguridad, masuri ang kahandaan ng mga lugar, at matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan, kabilang ang pamamahala sa daloy ng trapiko, crowd control, at pagtukoy sa mga pasukan at labasan para sa mga bibisita.

Sa pangunguna ni PCol Emmanuel ap Caquilala, Officer-in-Charge ng Southern Leyte PPO, patuloy na pinaiigting ng kapulisan ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, mga tagapangasiwa ng sementeryo, at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maayos at ligtas na paggunita ng “Undas 2026.”

Hinihikayat din ng Southern Leyte PPO ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad, sundin ang mga umiiral na alituntunin, pangalagaan ang kanilang mga personal na gamit, at agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang anumang kahina-hinalang gawain o insidente.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Southern Leyte PPO na mananatiling nakahanda ang kanilang hanay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan at maprotektahan ang publiko sa buong panahon ng paggunita ng “Undas 2026” alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/14smH6voRQQ/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply