“CAMPUSAYA,” inilunsad ng PRO NIR sa Negros Oriental; Safer School Advocacy, pinagtibay

0
422

Matagumpay na inilunsad ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) ang CAMPUSAYA initiative sa lalawigan ng Negros Oriental, noong October 29, 2026, na ginanap sa Dumaguete City National High School, Calindangan, Dumaguete City, bilang bahagi ng mga hakbang nito upang maiwasan ang anumang uri ng school violence, mabigyan ng solusyon ang mga online threats, at mapanatili ang ligtas at inklusibong learning environment para sa mga estudyante sa lalawigan.

Nanguna sa aktibidad sina PBGen Rudecindo L Reales, Regional Director, PRO NIR, katuwang ang mga miyembro ng PRO NIR Command Group at si PCol Jonathan B Abella, Provincial Director ng Negros Oriental Police Provincial Office (PPO).

Dumalo rin sa programa sina Hon. Manuel “Chaco” L. Sagarbarria, Governor ng Negros Oriental, na nirepresenta ni Gen Constantino V Barot Jr (Ret.), C, Civil Service Unit; Hon. Mauel “Chiquiting” T. Sagarbarria, Mayor, Dumaguete City, na nirepresenta naman ni Atty. Neil Rey Lagahit, City Administrator; Ms. Farrah Diba G. Gentuya, Provincial Director, DILG, na nirepresenta ni Mr. Lanbert Kyle M. Aquino, LGOO III; COMMODORE CRISTOPHER D AURO, RD, Coast Guard; Mr. Arwin O Razo, RD, DSWD, na nirepresenta ni Mr. John Michael Q. Rollorata, SWAD Team Leader; Atty. Jose J. Common, Provincial Director, NAPOLCOM; Mr. Edmark Ian L. Cabio, CESO VI, OIC, School Division, Dumaguete City; at si CInsp Gerino Maldo, Acting Warden, Dumaguete District Jail.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga Chiefs of Police ng mga City at Municipal Police Station ng Negros Oriental PPO; kasama ang ABC President, Chairperson PAGPTD Negros Oriental PPO, PTA President, School Principal, mga guro, magulang at mga estudyante, maging ang mga Barangay Tanod, at ilang mga force multipliers.

Ang CAMPUSAYA ay binuo mula sa mga salitang “Campus na Masaya,” na may layuning magkaroon ng holistic na inisyatibo upang maiwasan ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa maagang pagtukoy ng mga babala, responsableng pag-uulat ng mga banta, pinalakas na seguridad sa kampus, at koordinadong aksyon sa mga paaralan, pamilya, tagapagpatupad ng batas, at mga stakeholder ng komunidad.

“Let us teach our children that strength is not measured by how much fear we can create, but by how much protection we can provide (Turuan natin ang ating mga anak na ang lakas ay hindi nasusukat sa kung gaano kalaking takot ang kaya nating likhain, kundi sa kung gaano kalaking proteksyon ang kaya nating ibigay),” giit pa ni PBGen Reales.

Ang paglulunsad ng CAMPUSAYA sa Negros Oriental ay isang positibong batayan ng pagpapalawak ng nasabing inisyatibo sa buong rehiyon ng Negros Island Region upang matiyak ang ligtas at maayos na mga paaralan alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19uEGcuHfe/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply