Seguridad sa “Undas 2026 at ASEAN Summit,” tinalakay sa press briefing sa Kampo Crame

0
420

Nakibahagi ang Philippine National Police (PNP), sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., sa press briefing na pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor C. Remulla sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City noong Oktubre 23, 2026.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang paghahanda ng kapulisan para sa seguridad ng Undas 2026 at nalalapit na ASEAN Summit, gayundin ang mga hakbang sa pagtugon sa epekto ng Super Typhoon Rosal.

Tinalakay rin sa briefing ang mga update sa mga criminal cases, kabilang ang mga insidenteng may kinalaman sa mga menor de edad, pagpaslang sa isang kapitan ng barangay sa Batangas, pagnanakaw sa Antipolo City, at imbestigasyon sa mga tauhan ng PNP na inuugnay sa isang kaso ng droga sa Laos.

Patuloy na pinagtitibay ng PNP ang kahandaan sa operasyon, pagpapatupad ng batas, at pananagutan ng mga tauhan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko. Sa pamamagitan ng Focused Agenda nito, isinusulong ng kapulisan ang maagap na pagtugon sa mga hamon sa seguridad at sakuna, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO (https://www.facebook.com/share/p/1bpYCsjCdV/)

Leave a Reply