PRO NIR, nakiisa sa 5th Negros Occidental Mental Health Summit

0
53

Nakiisa ang Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR), sa pangunguna ni PBGen Rudecindo L. Reales, Regional Director, sa 5th Negros Occidental Mental Health Summit noong Oktubre 18, 2026, sa President’s Hall, St. Augustine Building ng University of Negros Occidental–Recoletos (UNO-R) sa Bacolod City.

Nagsilbi si PBGen Reales bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagtitipon, na dinaluhan din nina PCol Gilbert T. Gorero, Chief Regional Staff, at PCol Eugene N. Rebadomia, City Director ng Bacolod City Police Office.

Binigyang-diin ng summit ang kahalagahan ng pag-unawa, malasakit, at suporta sa mga taong may pinagdaraanan sa kalusugang pangkaisipan. Itinampok din ng PRO NIR ang pangangailangang bumuo ng komunidad na ligtas para sa malayang pagpapahayag ng saloobin at paghingi ng tulong, gayundin ang kahalagahan ng pangangalaga sa mental well-being ng mga tauhan ng kapulisan na patuloy na naglilingkod at nagpoprotekta sa publiko.

Sa pakikiisa sa naturang pagtitipon, muling ipinakita ng PRO NIR ang suporta nito sa mga inisyatibang nagtataguyod ng kalusugang pangkaisipan at kapakanan ng bawat isa, kabilang ang mga pulis. Kaakibat nito ang layunin ng PNP na maghatid ng serbisyong may malasakit, pag-unawa, at pagpapahalaga sa kapakanan ng komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP PRO NIR (https://www.facebook.com/share/p/19HTA34etb/)

Leave a Reply