Rank 6 Most Wanted Person sa kasong murder at robbery, arestado ng PRO BAR sa Maguindanao del Sur

0
42

Arestado ang tinaguriang Rank 6 Most Wanted Person ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) sa isinagawang joint operations ng mga operatiba sa Brgy. Limpongo, Datu Hoffer, Maguindanao del Sur, noong October 15, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng PRO BAR, ang suspek na si alyas “Hamin,” residente ng Rosary Heights 10, Cotabato City.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Tracker Team ng Cotabato City Police Station 3, Cotabato City Mobile Force Company, Datu Hoffer Municipal Police Station; 1402nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 14A; at Police Intelligence Unit ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office.

Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa at robbery na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php100,000.

“This successful operation underscores PRO BAR’s continuing commitment to intensify law enforcement efforts and apprehend wanted individuals facing criminal charges. Through the coordinated efforts of our police units, we remain steadfast in promoting public safety, maintaining peace and order, and ensuring that individuals with outstanding warrants are brought before the proper courts. I also urge the public to continue cooperating with law enforcement authorities by providing timely and reliable information that may help locate wanted persons and prevent criminal activities” (Ipinapakita ng matagumpay na operasyong ito ang patuloy na pangako ng PRO BAR na paigtingin ang pagpapatupad ng batas at hulihin ang mga wanted na indibidwal. Sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng ating mga yunit ng pulisya, nananatili tayong matatag sa pagtataguyod ng kaligtasan ng publiko, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at pagtiyak na ang mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest ay maiharap sa mga kinauukulang hukuman. Hinihikayat ko rin ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagap at mapagkakatiwalaang impormasyon na makatutulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ng mga wanted na indibidwal at pagpigil sa mga gawaing kriminal.) ani ni RD Abecia.

Source: https://www.facebook.com/share/p/193nUF14oG/

Leave a Reply