Arestado ang tinaguriang Rank 1 Most Wanted Person ng Lalawigan ng Pampanga sa isinagawang joint operation ng mga awtoridad bandang 11:00 ng umaga nito lamang Martes, Oktubre 6, 2026, sa Brgy. San Roque, Baliuag City, Bulacan.
Ayon kay Police Colonel Ricardo M David, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office, ang lalaking suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9262 at Rape.
“Tuloy-tuloy ang pagtugis sa mga wanted person—walang ligtas sa batas”. ani PCol David.
Source: Pampanga Police Provincial Office

