PRO6, kinilala ang suporta ng Probinsya ng Capiz sa kampanya kontra loose firearms

0
129
Screenshot

Kinilala ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang lalawigan ng Capiz dahil sa aktibong suporta nito sa kampanya laban sa loose firearms sa ilalim ng Project R.T.T. 3389 (Restrict, Track and Turn-In), kasabay ng command visit ni PRO6 Regional Director PBGen Randulf T. Tuaño sa Capiz Police Provincial Office noong Oktubre 5, 2026.

Pinuri ni PBGen Tuaño ang provincial government, mga local chief executive, at mga opisyal ng barangay sa buong lalawigan sa kanilang pakikiisa sa pagpapatupad ng proyekto, na naglalayong hikayatin ang bawat barangay na makapag-turn over ng hindi bababa sa isang loose firearm sa ilalim ng “One Barangay, One Firearm” approach.

Batay sa ulat na inilabas sa command visit, nakilahok ang lahat ng 473 barangay sa Capiz sa naturang inisyatiba, na nagresulta sa pag-turn over ng 550 loose firearms—389 short firearms at 161 long firearms—kasama ang 33 explosives. Kinikilala rin ang lalawigan sa naging ambag nito sa mas malawak na pagsisikap na mabawasan ang mga hindi rehistrado at walang kaukulang awtorisasyon na nga baril sa mga komunidad.

“Malinaw ang ipinakita ng Capiz na kapag nagtutulungan ang police at local government para sa isang mahalagang concern sa kaligtasan, may nagiging konkretong resulta. Malaking bagay ang suporta ng lalawigan at mga barangay para ma-turn over ang mga loose firearms,” pahayag ni PBGen Tuaño.

Gayunman, binigyang-diin niya na hindi nagtatapos sa pagkumpleto ng proyekto ang kanilang trabaho.

“Patuloy nating susubaybayan ang sitwasyon at sisikaping matukoy ang mga loose firearms na maaaring mayroon pa sa ating mga komunidad. Hinihikayat din natin ang publiko na patuloy na makipagtulungan sa police at magbigay ng impormasyon sa tamang paraan. Kung may hawak na loose firearm, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na police station para sa tamang proseso ng pag-turn over,” dagdag pa ni PBGen Tuaño.

Kasama rin sa pagkilala ang mga local government officials at mga lider ng Liga ng mga Barangay na sumuporta sa pagpapatupad ng Project RTT 3389 sa kani-kanilang lugar.

Bahagi ang inisyatibang ito ng patuloy na pagpapatupad ng The PRO6 Way— “Responsive, Trusted, and Transformative Policing for a Safer Western Visayas” Framework na naaayon sa PNP Focused Agenda sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., at sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BwGj9ZXUb/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply