Php1.08M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat sa Lanao del Norte; driver, arestado

0
54

Arestado ang isang driver at pasahero nito matapos masabat ng mga operatiba ang tinatayang Php1.08 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa ikinasang checkpoint operation sa Purok 1, Brgy. Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte, noong madaling-araw ng Martes, Setyembre 29, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Nestor C Babagay, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Mohammed”, 31 anyos, may-asawa, at pasahero nito na si alyas “Yasser” 19 anyos, pawang mga residente ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Nabatid na naharang ng mga tauhan ng 2nd Lanao del Norte Provincial Mobile Force Company ang isang red and white Van na may marking Patient Transport Vehicle na may kargang 22 master cases ng New Far Red cigarettes at limang master cases ng New Far White imbes na pasyente ang lulan.

“This operation shows that our checkpoints remain effective and our personnel are alert. No vehicle-regardless of its purpose-should be used to transport illegal goods. We will continue to enforce the law and protect our communities from smuggling” (Ipinapakita ng operasyong ito na nananatiling epektibo ang ating mga checkpoint at alerto ang ating mga kapulisan. Anuman ang layunin o gamit ng isang sasakyan, hindi ito dapat gamitin sa pagdadala ng mga ilegal na kargamento. Patuloy nating ipatutupad ang batas at poprotektahan ang ating mga komunidad laban sa smuggling o ilegal na pagpuslit ng mga kalakal), mensahe ni RD Babagay.

Source: Police Regional Office 10-RPIO

Leave a Reply