Rank 1 Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado sa Bolinao, Pangasinan

0
49

Arestado ng mga operatiba ng Bolinao Municipal Police Station (MPS) ang isang Rank 1 Most Wanted Person sa Municipal Level sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Ilog-Malino, Bolinao, Pangasinan, dakong 10:30 ng umaga noong Setyembre 22, 2026.

Kinilala ang naarestong akusado sa alyas na “Reymark,” residente ng Brgy. Ilog-Malino, Bolinao, Pangasinan, na nahaharap sa kasong statutory rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(d) ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act No. 11648. Wala umanong inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang akusado sa Bolinao MPS para sa kaukulang dokumentasyon at proseso alinsunod sa batas. Patuloy namang pinaiigting ng Bolinao MPS ang mga operasyon laban sa mga wanted person upang matiyak ang pagpapatupad ng mga warrant of arrest, mapanatili ang seguridad at kaayusan sa komunidad, at maisulong ang adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Bolinao MPS

Leave a Reply