Southern Leyte PPO, nagsagawa ng “Go Bag” Inspection; kahandaan sa SAR, pinagting

0
51

Nagsagawa ng “Go Bag” inspection sa mga Search and Rescue (SAR) Teams ang pamunuan ng Southern Leyte Police Provincial Office (PPO) sa pangunguna ni PLt Chelo A Cortina, sa ilalim ng superbisyon ni PCol Emmanuel P Caquilala, Officer-In-Charge nito lamang September 24, 2026 na ginanap sa Southern Leyte PPO Covered Court sa Camp Gov. Alfredo K Bantug, Maasin City.

Layon ng inspeksyon na tiyakin ang kahandaan ng mga SAR teams lalong-lalo na ang kanilang mga essential supplies, mga kagamitan, at iba pang mga necessary equipment para sa agarang deployment sa panahon ng mga sakuna at kalamidad at iba pang mga insidente na nangangailangan ng search and rescue operations.

Nakiisa sa naturang inspeksyon ang dalawang SAR teams ng Southern Leyte PPO, kung saan siniyasat ng pamunuan ang kani-kanilang mga “Go Bags” upang masiguro ang kahandaan ng kanilang mga kagamitan para sa epektibong mga emergency deployment.

Bilang pagtalima sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” aasahan ang regular na inspeksyon ng Southern Leyte PPO sa lahat ng mga kagamitan at tauhan nito para tiyakin ang epektibo at napapanahong pagresponde partikular na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Source: https://www.facebook.com/share/p/14zBYopbPek/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply