Narekober ng mga awtoridad ang isang arms cache na umano’y pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Kapaltatan, Brgy. Sindon Bayabo, City of Ilagan, Isabela, bandang alas 5:20 ng hapon noong Setyembre 15, 2026.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng isang dating rebelde na si alyas “Derek,” agad nagsagawa ng retrieval operation ang mga tauhan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, 201st Company ng Regional Mobile Force Battalion 2, at Regional Intelligence Unit 2 Police Intelligence and Targeting Section Isabela East, katuwang ang 95th Infantry Battalion ng Philippine Army at Isabela Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit.
Narekober mula sa isang dilaw na timba ang dalawang improvised anti-personnel mines, tatlong 40mm high-explosive rounds, isang rifle grenade, 100 rounds ng 7.62mm linked ammunition, limang metro ng commercial detonating cord, dalawang bandoliers, dalawang flashlights, at isang sweatshirt. Ang mga nakuhang military ordnance at improvised explosive devices ay itinurn-over sa Isabela Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit para sa identification at nararapat na disposition.
Patuloy naman ang maayos na pakikipagtulungan at intelligence-driven operations ng Isabela Police Provincial Office at mga katuwang na security forces upang matukoy at mapigilan ang mga banta sa seguridad, habang hinihikayat ang publiko na magbigay ng napapanahong impormasyon hinggil sa mga kahina-hinalang aktibidad tungo sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/1bZ9QJ75c8/?mibextid=wwXIfr

