Mahigit Php1.3 milyong halaga ng isda at kagamitan ang nakumpiska habang 42 indibidwal naman ang naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8) sa pinaigting nitong anti-illegal fishing operation sa iba’t ibang bahagi ng Eastern Visayas nitong September 16, 2026.
Sa Samar, nasa 28 indibidwal ang nahuli sa magkakahiwalay na anti-illegal fishing operation ng kapulisan sa baybaying bahagi ng Daram. Nakumpiska rin ang isang 4DR5 engine, mga fishing nets, at assorted fish na may kabuuang halaga na Php1,013,000.
Sa Northern Samar naman, anim na indibidwal ang naaresto sa bayan ng San Isidro habang nakumpiska rin ang isang motorboat, mga fishing paraphernalia, at mga huling isda na may kabuuang halaga na Php190,450.
Samantala, sa mga lalawigan ng Leyte at Biliran, umabot naman sa walong indibidwal ang naaresto sa karagatang bahagi ng Carigara, Dulag, at Hindang sa Leyte at sa baybayin ng Biliran. Aabot naman sa Php110,750 ang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan at huling isda sa nasabing mga naaresto.
Ayon pa kay PBGen Romani V Cardiño, Regional Director ng PRO8, bahagi ang nasabing mga operasyon sa patuloy na kampanya ng PRO8 kontra sa ilegal na pangingisda upang matiyak ang pangangalaga sa mga yamang dagat ng rehiyon alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
“We urge our fisherfolk and coastal communities to observe all lawful fishing practices and regulations. We likewise encourage everyone to report any illegal fishing activity to the proper authorities so that necessary action can be taken promptly” (Hinihimok namin ang aming mga mangingisda at mga komunidad sa baybayin na sundin ang lahat ng legal na pamamaraan at regulasyon sa pangingisda. Hinihikayat din namin ang lahat na iulat ang anumang ilegal na aktibidad sa pangingisda sa mga kinauukulang awtoridad upang ang mga kinakailangang aksyon ay agad na maisagawa, dagdag pa niya).
Source: https://www.facebook.com/share/p/18NiK3oPPc/?mibextid=wwXIfr

