Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa Police Regional Office 8 (PRO8) sa magkahiwalay na anti-insurgency operation sa Samar at Eastern Samar nito lamang Lunes, September 14, 2026.
Pinuri ni Police Brigadier General Romani V Cardiño, Regional Director ng PRO8, ang lahat ng mga operating units sa kanilang walang tigil na peace-building efforts. Aniya, “Every firearm surrendered represents a life saved, a family reunited, and a community made safer. By choosing to lay down their weapons, they have chosen a secure, peaceful future for their loved ones, and PRO 8 stands ready to help them rebuild their lives” (Ang bawat baril na isinuko ay sumisimbolo sa isang buhay na nailigtas, isang pamilyang muling nagsama, at isang komunidad na naging mas ligtas. Sa pagpili nilang isuko ang kanilang mga armas, pinili nila ang isang ligtas at mapayapang kinabukasan para sa kanilang mga mahal sa buhay, at handang tumulong ang PRO 8 sa muling pagbuo ng kanilang mga buhay).
Sa Eastern Samar, unang sumuko sa mga operatiba ng 805th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 8 (RMFB-8) at 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company si alyas “Gar,” isang 38 anyos na magsasaka at residente ng Gen. Macarthur. Siya ay dating Yunit Militia member na nag-ooperate sa ilalim ng Sub- Regional Committee (SRC)-Sesame ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC). Kasabay niyang isinuko ang isang caliber revolver at tatlong bala.
Samantala, sa Eastern Samar, nagbunga naman ang isinagawang community immersion at anti-insurgency drive ng mga tauhan ng 802nd Maneuver Company RMFB 8 sa Villareal, Samar, matapos magbalik loob sa pamahalaan si alyas “Wino,” isang 32 anyos na magsasaka at dating miyembro ng CTG sa ilalim ng parehong komite. Isinuko niya rin ang isang caliber 9mm pistol na may sirang serial number, kasama ang limang bala, isang magazine, at isang rifle grenade.
Sa ilalim ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” agad isinailalim sa kustodiya ng kanilang mga facilitationg police units ang mga sumukong dating rebelde lara sa iba pang mga legal na dokumentasyon at tamang disposisyon. Inihahanda na rin ng kapulisan ang kanilang mga dokumento para sa posibleng enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1C3nrbqD48/?mibextid=wwXIfr

