1st PMFC, nanguna sa “Scubasurero” sa Hundred Islands, Alaminos City, Pangasinan

0
38

Nanguna ang Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) sa isinagawang “Scubasurero” Coastal Clean-Up Drive sa Hundred Islands National Park, Alaminos City, Pangasinan, ngayong Setyembre 14, 2026.

Pinangunahan ni PLt Mark Nazard C. Galon, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Roderick C. Antonio, Officer-in-Charge, ang mga tauhan ng 1st PMFC katuwang ang LGU Alaminos, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga volunteer.

Ang Scubasurero, na hango sa mga salitang “Scuba” at “basurero,” ay isang coastal at underwater clean-up activity kung saan sama-samang nililinis at inaalis ang mga basura sa baybayin at ilalim ng dagat upang mapangalagaan ang marine ecosystem.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan, protektahan ang yamang-dagat, at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpapanatili ng kalinisan at likas na ganda ng mga baybaying lugar.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, patuloy na ipinapakita ng 1st PMFC at mga katuwang na ahensya ang kanilang malasakit hindi lamang sa seguridad ng komunidad kundi maging sa pangangalaga at proteksyon ng kalikasan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: 1st PMFC, Pangasinan

Leave a Reply